Saturday, October 13, 2007

Remake of 80's Classic - "The Working Girls"

isa sa mga pinoy classic movies na super love ko at tawang-tawa ako ay "The Working Girls". Eto na sila after almost 2 decades.. Hehe.

(Clockwise starting at 12 of the clock)

1. Si Shelie - na-chugi sa huling trabaho kung saan sya ay isang boss, or nag fi-feeling boss na papasok an hour late at magbabasa pa ng dyaryo sa reception habang nagpapatimpla ng kape sa Nepali na office boy. Ngayon.. isa na syang OB-GYNE. :)

2. Si Leah - siya si Ms. London. FA ng isang airline company na nag re-recuperate pa lang sa galit at pagka-suklam sa isang Ehiptong pokpok. Tawag sa kanya ng kanyang bahay-alak ay "Madam".

3. Si Mai - Siya ang may attitude problem sa kanilang lahat. Siya ang kanang kamay ng landlady nilang si Ivy. Isa syang events planner-slash-messenger-slash-kargador-slash-shock-absorber sa opisina. Minsa'y naging istokwa din siya.

4. Si Jay - Little Ms. Philippines. Baklang may lovelife na nagpapatuyo ng sabon sa mukha pag day-off. Siya ang reyna ng isa sa mga pinakamalaking designer boutique sa mundo. Ka-level ng Monakiki sa Pinas.

5. Si Mitch - ang escort ng Little Ms. Philippines. Shy and coy ang drama sa umpisa pero binabawi sa paghilik sa pagtulog. He can rock your world pag natulog kayo sa isang kwarto! Siya ang prinsesa ng Palm Jumeirah.

6. Si Ivy - Siya ang landlady na buong pusong tinatanggap ang kanyang role sa bahay. Kahit sa pagtulog ay alam nyang overcooked ang pasta o merong hindi nagsara ng toilet seat. Mdami din syang reklamo sa buhay. Bet sya ng boss nyang mayaman na matanda.

7. Si Bec - wala sya sa litrato kaya wag mo na sya hanapin. pero nakabukas ang mata nya pag natutulog. ganunpaman, ibang level ang mga ka-date nya sa pinas. kaya naman pinilit nyang magka sore eyes kesehodang ikabulag nya ang pabangong in-spray nya sa mata nya. isa din syang FA. siya ang Ms. Philippines.

Eto sila. Sa mata ng karamihan ay puro lang saya. Sa iba naman ay mga kabataang pariwara. Pero ang hindi nila alam ... madami pa silang hindi alam.

(ang larawan ay kuha sa Irish Village na ngayon ay Century Village na.. dinner-dinneran lang after work with shisha on the side. )

No comments: